Maglalabas ng panuntunan ang Department of Agriculture (DA) para maprotektahan ang mga consumers mula sa pagkalat ng expired nang Produktong Agrikultura na ibinebenta online.
Sagot ito ni Kristine Evangelista, tagapagsalita ng Agriculture Department matapos umabot sa tatlondaang expired na karne na nagkakahalaga ng kalahating milyon, ang nakumpiska sa isang storage facility sa Tondo, Manila.
Ayon kay Evangelista, hangga’t may kinalaman ang mga produktong agrikultura ay handang tumugon ang departamento lalo na para sa kapakanan ng mga mamimili.
Palalakasin din ng d-a at mga kaugnay na ahensya ang pagsisikap upang matiyak na ang mga lehitimong nagbebenta at producer lamang ang makakapagbenta ng mga produkto.
Matatandaang batay sa datos, walang certificate of inspection ang mga karneng baboy at baka na nagmula sa Brazil at Germany, na may ipinatutupad na import ban dahil sa banta ng African Swine Fever (ASF).