Napagkasunduan ng Department of Agriculture (DA) at iba’t bang stakeholders ang pagtatakda ng suggested retail price (SRP) sa mga pulang sibuyas.
Ayon kay DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, ito ay bilang tugon ng pamahalaan sa panawagan ng iba’t ibang agriculture group, kasunod ng nakakalulang presyuhan ng pulang sibuyas sa mga pamilihan.
Mula P170 kada kilo ay mabibili na ang sibuyas sa halagang P250 kada kilo.
Ito ay epektibo simula sa mga huling araw ng Disyembre ng kasalukuyang taon at tatagal ng hanggang unang linggo ng Enero ng 2023.
Sa kasalukuyan ay naglalaro sa P500 hanggang P700 ang kada kilo ng red onions sa mga pamilihan. —sa panulat ni Hannah Oledan