Nagbabala ang Department of Agriculture na maaaring magkulang ang suplay ng baboy ngayong taon.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, dahil sa African Swine Fever, potensyal na ang pagkakaroon ng kakulangan ngayong taon sa suplay ng baboy.
Kaugnay nito, nanawagan muli ang Philippine Association of Meat Processors Inc., sa ahensya na payagang mag-angkat ang hog raisers ng baboy nang walang taripa.
Giit ni Jess Cham, presidente ng asosasyon, mismong ang mga farm producers na ang umamin na may shortage na ng baboy.