Nagbabala ang Department of Agriculture na posibleng magkaroon ng food crisis sa Pilipinas sa iba’t ibang dahilan.
Ito ay ayon kay Agriculture Secretary William Dar na isa sa mga dahilan ang kaguluhan sa Ukraine ang nakakaantala sa global food supply chain na nagpabawas sa agricultural productivity.
Maliban dito, ikinabahala ng kalihim na hindi mapataas ang produksiyon ng pagkain hanggang sa susunod na dalawang taon.
Samantala, nananawagan naman ang DA sa lahat ng stakeholders sa sektor ng agrikultura at kawani ng ahensya na pagtuunan ito ng pansin.