Binalaan ng Department of Agriculture (DA) ang publiko sa pagbili ng mga tirang pagkain mula sa mga hotel at airline para hindi na kumalat ang African Swine Fever (ASF).
Sa gitna na rin ito ng report ng DENR na ang ASF virus ay dumaan sa NAIA.
Dahil dito ibinasura na ng DA ang posibilidad na nanggaling sa Pilipinas ang ASF.
Sinabi ni Agriculture Spokesman Noel Reyes na ilang madidiskarteng indibidwal na nakakakuha ng mga tirang pagkain kabilang ang imported pork meat at prok products mula sa mga hotel at airlines at naibebenta pa ang mga ito sa halagang kinse pesos kada bag. Ang mga tirang pagkain aniya mula sa mga hotel at airlines ay dapat na sinusunog at hindi na pinagkakakakitaan.
Ipinabatid ni Reyes na ang ASF virus ay posibleng nagmula sa China, Europe, Central America at Kenya sa Africa.