Nagbigay na ng hotline numbers ang Department of Agriculture (DA) kung saan maaaring magsumbong ang mga food suppliers/truckers na hinaharang pa rin sa mga checkpoint.
Ayon sa DA, hindi dapat maantala ang pagde-deliver ng suplay ng pagkain kaya’t dapat na palusutin sa mga checkpoint ang mga truck o delivery vehicle na mayroon maipiprisintang ID o food pass.
Ilang beses na umano nilang sinabi maging ang DILG na dapat hindi harangin ang mga suppliers ng pagkain ngunit marami pa rin umano silang natatanggap na reklamo.
Dahil dito naglabas na ang DA ng 20 textline numbers kung saan maaari silang makapagsumbong.
Itext lamang umano ang detalye, gaya ng lokasyon ng checkpoint, oras na nasa checkpoint, plaka ng sasakyan, klase ng sasakyan at produkto na ibinabiyahe.