Ikinagalak ng Department of Agriculture (DA) ang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pag-apruba ng dagdag na pondo sa Plant, Plant, Plant Program bilang food security measures sa harap ng krisis sa Ukraine.
Ayon kay DA Secretary William Dar, mahigpit na tagubilin ni Pangulong Duterte sa naging pulong ng gabinete na siguraduhing may sapat, mura at accessible na suplay ng mga pangunahing pagkain ang publiko.
Samantala, kasama sa ipatutupad na hakbang ang pagkakaloob ng pautang ng Land Bank of the Philippines (LandBank) at Development Bank of the Philippine (DBP) sa mga lokal na pamahalaan ng lalawigan para sa pagbili ng palay. – Sa panulat ni Airiam Sancho