Naglaan ng halos P853 milyon pondo ang Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng bagyong Odette.
Ayon kay DA Secretary William Dar, nakahanda na ang mahigit P355.26 milyong halaga ng mga buto, fingerlings at biologics at ang limang daang milyong piso para sa rehabilitation at recovery efforts.
Samantala, sinabi rin ni Dar na makatatanggap ang mga mangingisda ng mga bagong bangka at repair materials.