Naglaan ang Department of Agriculture o DA ng sampung milyong pisong pondo para ipautang sa mga magsasaka at mangingisda na mula sa Marawi City na labis na naapektuhan ng kaguluhan doon.
Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, ang pondong ipapautang ay sa ilalim ng SURE o Survival and Recover Loans Program.
Kasabay nito, sinabi ni Piñol na lalagyan ng limang milyong iba’t ibang uri ng fingerlings na mga isda ang may tatlumpu’t limang libong (35,000) ektaryang lawa ng Lanao para maihanda ito sa sandaling matapos na ang kaguluhan at manumbalik ang normal na pamumuhay ng mga residente doon.
Mamimigay din ang kagawaran ng 500 bagong fiberglass na bangka sa mga magingisda.
- Meann Tanbio