Naglabas na ng Suggested Retail Price (SRP) ang Department of Agriculture (DA) para sa pulang sibuyas na ibinebenta sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Ito ay kasunod ng pagtaas ng presyo sa agricultural commodities bunsod ng taas-presyo ng langis at paiba-ibang lagay ng panahon.
Batay sa administrative circular 09, nagtakda si Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban ng SRP na P 170 kada kilo para sa pulang sibuyas sa National Capital Region (NCR).
Dahil dito, pumalo na sa P 200 kada kilo ang average price ng sibuyas noong Biyernes.
Matatandaang una rito, bumilis ang inflation rate ng bansa sa 6.9 %t noong nakaraang buwan, bunsod ng pagtaas ng presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages ngayong Oktubre.- sa panunulat ni Hannah Oledan