Mas maraming Kadiwa Centers ang binuksan ng Department of Agriculture sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila kung saan maaaring makabili ng mga murang produkto.
Matatagpuan ang mga bagong bukas na Kadiwa outlets sa Caloocan City, Quezon City, Parañaque City, Pasig City, Las Piñas City, Makati City at sa Cainta, Rizal.
Inaasahang makikinabang sa ilalim ng nasabing proyekto ang libo-libong magsasaka at mangingisda at makakatulong din sa mga mamimili sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilin.
Matatandaang pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., noong November 16 ang paglulunsad ng ‘Kadiwa ng Pasko’ na proyekto nito bilang kalihim ng Department of Agriculture.