Nagpasaklolo na ang DA o Department of Agriculture sa international body na namamahala sa pag-monitor sa mga animal and poultry diseases.
Ito’y matapos na maitala ang kaso ng avian flu na nakaapekto sa halos kalahating milyong mga ibon, manok at pugo sa bayan ng San Luis sa Pampanga.
Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel ‘Manny’ Piñol, layunin nitong matukoy din ang pinagmulan ng naturang virus lalo’t kabilang sa posibleng pinagmulan nito ay ang migratory birds at smuggled na ‘peking duck’
Nanawagan naman ang kalihim sa mga may-ari ng poultry farm na agad ipagbigay alam sa kanilang tanggapan sakaling may maitalang pagkamatay o pagkakasakit ng mga alagang manok at iba pa upang hindi na lumala pa ang problema.