Nagpatupad na ng quarantine ang Department of Agriculture o DA sa bayan ng San Luis sa lalawigan ng Pampanga.
Ito’y makaraang makumpirma ang kaso ng H5 Avian Bird Flu Virus sa isang poultry farm sa barangay San Carlos.
Sa panayam ng programang “Balita Na, Serbisyo Pa” kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, sinabi nito na hindi na nila pinapayagan ang paglalabas at pagpasok ng mga poultry products sa buong lalawigan.
Nagpadala na rin ani Piñol ng sample ng nasabing virus sa Australia para pag-aralan kung aling uri ng strain ng nasabing virus.
By Jaymark Dagala / Balita Na Serbisyo Pa Interview