Nagpatupad na ng ban ang DA o Department of Agriculture sa pag-aangkat ng mga manok mula sa Luzon patungo sa iba pang bahagi ng bansa.
Ayon kay DA Sec. Manny Piñol, hindi kabilang sa ban ang pagbiyahe sa mga manok na idadaan sa mga paliparan sa Manila bilang transshipment point sa iba pang bahagi ng bansa.
Gayunman, ani Piñol, mahigpit pa ring ipatutupad ang quarantine protocols.
Sinabi pa ni Piñol, hindi rin dapat alisin sa kahon ang mga manok na magmumula sa Amerika at agad na ikarga sa mga connecting flights patungong Visayas at Mindanao.
Idineklara na ring controlled zone ang 7 kilometrong bahagi ng San Luis Pampanga kung saan ipinagbabawal na ang paglabas ng mga manok at itlog sa naturang lugar at ang lahat ng mga sasakyan ay kailangang i-disinfect.
Kasabay nito, nanawagan si Piñol sa publiko na makiisa para mapigilan ang pagkalat ng bird flu virus sa buong bansa at panatilihing malinis ang mga poultry farms.