Nagsasagawa na rin ng ilang confirmatory tests ang Department of Agriculture (DA) sa mga baboy sa isang barangay sa Plaridel, Bulacan.
Ito ay matapos makatanggap ng report ng posibleng kaso ng African Swine Fever (ASF) sa lugar.
Ayon kay ASF Crisis managament team head Rieldrin Morales, kumuha na sila ng sample ng dugo ng mga baboy.
Oras na lumabas ang resulta at magpositibo ito sa ASF ay papatayin ang mga baboy sa loob ng one kilometer radius.
Ngunit, maari aniyang magkaroon ng delay sa resulta dahil parami na ng parami ang dugo ng mga baboy na kanilang sinusuri.
Matatandaang nasa 17 lugar na sa Luzon ang nagpositibo sa ASF at nasa higit 20,000 baboy na ang napapatay ayon sa DA.