Nagtakda ng panibagong Suggested Retail Price (SRP) ang Department Agriculture (DA) para sa mga ‘basic agricultural commodities’ na nabibili sa mga palengke sa Metro Manila.
Ayon sa DA, ang pagtatakda ng bagong srp sa mga bilihin ay naaayos sa panahon lalo’t nagbabago rin ang presyo ng mga ito.
Nasailalim ng administrative circular # 17 ang updated SRP ng ahensya para magsilbing gabay sa mga nagtitinda at mga mamimili sa gitna ng umiiral na Luzon-wide price freeze dahil sa sunod-sunod na pananalasa ng bagyo.
Sakop ng panibagong SRP ang 7 kategorya gaya ng bigas, mga karne ng baboy, isda, gulay prutas at iba pa.
Ibig sabihin sa mga bigas: aabot na sa P50 ang presyo ng special rice; P45 sa premium; at P36 sa well-milled.
Sa livestock at poultry: ang pork kasim ay nasa P260 na; liempo na P290; buong manok sa halagang P140.
Sa isda naman: ang bangus ay nasa P160 na; tilapia, P120 ; P140 sa galunggong.
Kasunod nito, ayon sa DA sa mga hindi susunod sa bagong SRP ay pagmumultahin at maaari ring makulong.