Nakalikha ng murang feeds ang Department of Agriculture (DA) na ipapakain sa mga tilapia at bangus.
Ginawa ito ni Dr. Roger Edward Mamauag sa pamamagitan ng Southeast Asian Fisheries Development Center-Aquaculture Division at National Fisheries Research and Development Institute.
Ayon kay Mamauag, gawa sa agricultural at poultry products ang feeds tulad ng mais, coconut-fermented copra meal at mga nakikita sa manukan.
Dahil sa imbensyon, bababa sa P27 kada kilo ang feeds ng bangus mula sa P35 kada kilo.
Habang P24 kada kilo ang magiging presyo ng feeds sa tilapia mula sa P32 hanggang P34 kada kilo.