Nakatakdang maglabas ng suggested retail price (SRP) sa susunod na dalawang linggo ang Department of Agriculture (DA) sa presyo ng manok, isda at gulay.
Ito ayon kay Agriculture assistant secretary at spokesman Noel Reyes ay matapos nilang madiskubreng marami pa rin ang nagsasamantala sa presyuhan ng manok lalo’t batid ng mga negosyante na umiiwas muna ang maraming consumers sa pagbili ng baboy dahil sa African Swine Fever (ASF).
Sinabi ni Reyes na simula noong Christmas season ay hindi bumababa ang presyo ng manok, samantalang nananatiling mataas pa rin ang presyo sa pamilihan ng galunggong.