Nakipag-ugnayan ang Department of Agriculture (DA) sa Navotas LGU upang palakasin pa ang kadiwa sa ilalim ng enhanced kadiwa ni ani at kita financial grant assitance program.
Sa ilalim ng Memorandum of agreement na pinirmahan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco at DA Spokesperson and Assistant Secretary for Consumer Affairs Kristine Y. Evangelista, tatanggap ang Navotas ng P5-M para sa pagpapatayo ng Navibangka fiberglass boats para sa 30 rehistradong navoteno fisherfolk.
Ayon kay Mayor Tiangco, nais nitong bigyang ng suporta ang mga mangingisda na nagsisilbi ring Modern Day Heroes partikular na noong panahon ng pandemya.
Sumailalim naman sa pagsasanay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang mga benepisyaryo ng Navobangka Program hinggil sa boat construction, repair at maintenance.