Mahigit 100,000 na mga magsasaka sa Western Visayas ang nakatanggap ng 503 milyong pisong halaga ng tulong pinansyal mula sa Department of Agriculture (DA).
Nakatanggap ang Provincial Government of Iloilo ng 334 milyong pisong halaga ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) habang ang Provincial Government of Aklan naman ay nabigyan ng 159 milyong pisong halaga ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Ang RFFA ay isang programa ng DA sa ilalim ng RCEF kung saan pinagkakalooban ng 5,000 pisong allowance ang maliliit na magsasaka na nagtatrabaho sa mga kapirasong lupa na wala pang dalawang ektarya.
Paliwanag ni Agriculture Secretary William Dar, binuo ng Rice Tarrification Law ang RCEF-RFFA sa pamamagitan ng pagpopondo dito ng 7.6 bilyong pisong halaga ng labis na taripa na kinita mula 2019 hanggang 2020.
Pinayuhan naman ng kalihim ang mga benepisyaryo na gamitin ng maayos ang natanggap na halaga.