Nanawagan ang Department of Agriculture (DA) sa kamara na bumuo ng panukalang batas na pag-isahin ang lahat ng food safety regulatory system sa iisang ahensya sa ilalim ng pangangasiwa ng departamento.
Ito ang inihayag ni Agriculture Secretary William Dar kung saan dapat aniya ikonsidera ng mga mambabatas na gawin ito dahil sa ngayon aniya ay marami ang humahawak sa ahensya nito.
Iginiit ni DAR na hindi monopolya o walang kontrol ang da sa umano’y pananabotahe sa ekonomiya at pagtawag sa kanyang ahensya bilang mother of smuggling.
Matatandaang, isang mambabatas ang tinawag na mother of smuggling ang da dahil umano sa 80% ng problema sa issuance ng import clearances ay mula sa naturang kagawaran.
Samantala, naniniwala naman si DAR na itutuloy ng susunod ng administrasyong Marcos ang laban ng bansa kontra agricultural smuggling na siyang nagpapahirap sa mga pinoy farmers.