Nanawagan ang Department of Agriculture (DA) sa mga magbababoy na makipagtulungan para maiwasan ang pagkalat ng African Swine Fever sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, mayroon pa ring mga pasaway na hog traders at negosyante ang nagpupuslit pa rin ng mga karneng baboy.
Dahil dito ay mahirap maiwasan ang pagkalat ng ASF sa bansa. Sa ngayon ay nakikipagtulungan na rin ang ahensya sa mga Local Government Units hinggil dito.
Samantala, muling tiniyak ng DA na hindi mapanganib ang ASF sa katawan ng tao, sa kabila ng umiiral na ASF scare sa bansa ngayon.