Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na ang ginagamit na patatas ng mga fastfood chain sa Pilipinas ay ang mga inaangkat mula sa ibang bansa na tinatawag na chicken potatoes.
Ito ay hindi itinatanim sa Pilipinas dahil iba ang klima ng bansa at hindi naaayon o umaakma sa pagtatanim nito.
Sa panayam ng DWIZ sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na tanging ang white potato o table potato lamang ang itinatanim ng mga magsasaka sa Pilipinas.
Ang white potato o table potato ay hindi maaaring gamitin sa paggawa ng frenchfries na paborito ng mga kabataan at kadalasang nakikita sa mga fast food chain.
Ayon pa kay Evangelista, nagsasagawa na ng testing ang kanilang ahensya sa mga lugar sa Pilipnas na may malamig na temperatura para sa pagtatanim ng chicken potatoes dahil mas mataas ang demand nito sa bansa kumpara sa Filipino potatoes.