Nilinaw ng Department of Agriculture o da na hindi pa maaaring mag-angkat ng puting sibuyas ang Pilipinas.
Kasunod ito ng panawagan ng ilang grupo na payagang makapasok ang white onion products sa bansa para maiwasan ang kakulangan ng suplay nito sa mga pamilihan.
Ayon kay DA Undersecretary Kristine Evangelista, walang ibinibigay na import permit ang gobyerno para sa naturang produkto upang masiguro na walang maipupuslit na sibuyas sa bansa.
Sinabi ni Evangelista, na layunin ng ahensya na walang nakaimbak na sibuyas sa mga cold storage at maiwasan ang tone-toneladang onion products na nahaharang ng mga otoridad sa mga terminal at pantalan.