Sapat ang supply ng asukal sa bansa.
Ito ang paglilinaw ni Agriculture Secretary Manny Piñol matapos tumaas ng sampung piso (P10) kada kilo ang asukal.
Gayumnan sinabi ni Piñol na kailangan pa rin mag-angkat ng asukal ngayong taon dahil posibleng magkulang kung hindi agad makapag-import.
Pina-plano umano ng ahensya na mag-angkat ng dalawang daang libong (200,000) metriko tonelada ng asukal sa Thailand.
Isandaang libo (100,000) rito ang mapupunta sa pabrika, limampung libo (50,000) naman sa mga gumagawa ng kendi at ang natitirang limampung libo (50,000) ay ipapakalat sa mga pamilihan.
Samantala, pinag-aaralan na rin umano ang pagtatakda ng suggested retail price sa asukal upang hindi magsamantala ang mga negosyante.
—-