Pag-aaralan ng Department of Agriculture kung tatanggalin o itataas ang price cap sa karneng baboy.
Ito’y dahil sa patuloy na pagkasa ng “pork holiday” sa ng ilang meat vendor.
Ayon kay Agriculture Secretary Ernesto Gonzales, nakatakdang magpulong sila kasama ang stakeholders at meat dealers para talakayin ang usapin hinggil sa price cap.
Paliwanag pa ni Gonzales, bagama’t may suplay ng baboy mula sa Visayas at Mindanao, hindi naman ito napupunta sa Metro Manila dahil sa price cap.
Karamihan sa mga suplay ng baboy na ito ay napupunta umano sa Batangas, Laguna, at Bulacan.