Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na hindi makaaapekto sa rice production ng nasa 22,000 ektaryang palayan sa Bulacan at Pampanga sa Hunyo hanggang Hulyo ang pagputol sa irrigation supply mula Angat Dam.
Ayon kay DA Central Luzon Regional Director Andrew Villacorta, isinasagawa naman ang irrigation shutoff sa oras na matapos ang anihan.
I-aatras aniya sa Agosto ang pagtatanim para sa wet season o sa oras na matanggap ng National Irrigation Administration ang water share nito mula sa dam.
Sa ngayon ay nasa critical level o below 180 meters ang lebel ng tubig sa naturang reservoir, sa Norzagaray, Bulacan.
By Drew Nacino