Patuloy na mamamahagi ang Department of Agriculture (DA) ng tulong pinansyal sa mga magsasaka ngayong tapos na ang eleksyon.
Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar, makakatanggap ang bawat magsasaka ng tig P5K na cash aid sa ilalim ng rice farmers financial assistance program ng DA.
Partikular na makatatanggap nito ang mga rice farmers na may sinasakang dalawang ektaryang lupa pababa.
Una nang sinabi ni Agriculture Undersecretary for Operations Ariel Cayanan na magdodouble time ang DFA na ipatupad ang iba’t ibang programa tulad ng fuel subsidy at cash assistance na pansamantalang natigil.