Patuloy pang iniimbestigahan ng Department of Agriculture (DA) ang aabot sa P45-B halaga ng nalulugi sa bansa kada taon dahil sa palm oil smuggling.
Sa naganap na pagdinig ng House Committee on Ways and Means, ibinunyag ni Albay Rep. Joey Salceda ang isyu kung saan, malaking halaga ng pera ang nawawala sa kita ng gobyerno kada taon dahil sa smuggling na mga mantika.
Ayon naman kay DA Undersecretary Fermin Adriano, iniimbestigahan na ng kanilang ahensya ang mga opisyal at staff maging ang mga nakikipagsabwatan sa pag-angkat at pagpupuslit ng mga mantika sa bansa.
Sa ngayon, humihiling ang DA sa ibang mga ahensiya ng gobyerno na may police powers na tulungan sila upang matigil ang smuggling ng palm oil dahil wala silang kapangyarihan para manghuli at mag-usig sa mga smuggler sa ilalim ng umiiral na batas at regulasyon.