Pinayuhan ng Department of Agriculture ang mga mamimili na maghanda sa pagtataas ng presyo ng bigas at ilang mga gulay.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban, maaaring tumaas ng 15% hanggang 20% ang presyo ng kalakalan sa mga palengke.
Ito ay matapos lumobo sa mahigit dalawang bilyon ang pinsala at pagkalugi ng mga magsasaka dahil sa pananalasa ng Bagyong Karding na nanalanta sa mahigit 150,000 ektarya ng mga lupang agrikultural sa Central Luzon.
Kaugnay nito, apektado rin ang nasa mahigit 90,000 magsasaka at mangingisda.
Batay sa datos ng DA, nasa 40 piso ang presyo ng well-milled at regular milled rice at nasa 38 piso naman ito sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Samantala, tumaas rin ang presyo ng kada kilo ng pechay baguio at puting patatas sa parehong 80 piso mula pitumpung pisong presyo nito noong Setyembre 27. —sa panulat ni Hannah Oledan