Plano ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang maglabas ng Suggested Retail Price (SRP) ng asukal dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo nito.
Ito ay matapos mapag-alamanan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na umaabot sa 134 pesos ang bawat kilo ng asukal sa mga supermarket sa Metro Manila.
Ayon naman kay DA Spokesperson Kristine Evangelista, isasapinal pa nila ang usapin ngayong linggo at posibleng maipatupad na ang srp pagsapit ng Nobyembre.
Ito anya ay para matiyak ang pagkakaroon ng suplay nito sa mga pamilihan at masiguro na tama ang pagpataw ng presyo nito.
Samantala, inaasahan naman ng DA ang posibilidad ng 85 pesos kada kilo ng asukal sa pagdating ng import na asukal sa ilalim ng sugar order number 2. - sa panulat ni Hannah Oledan