Planong obligahin ng Department of Agriculture (DA) ang mga may-ari ng cold storage facilities na magparehistro laban sa mga smuggler sa bansa.
Kasunod ito ng panawagan ng grupo ng mga magsasaka sa DA at BOC na paigtingin ang kanilang pagbabantay sa pagpasok sa Pilipinas ng agricultural products.
Matatandaang una nang nakumpiska ang P3.9M na halaga ng puslit na puting sibuyas sa Divisoria, Maynila kamakailan.
Ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, panahon na para itigil ang pagpupuslit ng agricultural products kung saan, nasasangkot ang ilang opisyal ng gobyerno maging ang ginagawa ng mga onion trader na nagtatago ng mga produkto sa panahon ng anihan.
Sinabi ni Estoperez na ang naturang hakbang ay bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan laban sa ibat-ibang uri ng smuggling kung saan, tsaka lamang inilalabas ang mga produkto kapag nagkukulang na ang suplay at tumataas na ang presyo nito sa merkado.
Sa kabila nito, siniguro ng opisyal na kanilang paiigtingin ang kampaniya laban sa mga smuggler sa bansa.