Kumpiyansa si dating Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na posibleng may pagkukulang sa naging hakbang ang ahensya na nagresulta sa kakulangan ng suplay ng sibuyas sa bansa.
Ayon kay Dar, nagbabala na siya noong nakaraang taon sa mga opisyal ng DA na maaaring makaranas ng shortage ang bansa dahil sa paubos na ang suplay ng agricultural products.
Naniniwala si Dar na kung nagpatuloy sa pag-aangkat ang Pilipinas, hindi sana ngayon nararanasan ang kakulangan sa suplay ng mga produkto.
Matatandaang pumalo sa P500 hanggang P700 ang kada kilo ng sibuyas sa mga pamilihan partikular na sa Metro Manila bunsod ng dry season dahilan kaya naglunsad ang pamahalaan ng kadiwa program na makapagbibigay ng mura at abot kayang halaga ng agri-products lalo na ng sibuyas na mabibili lang sa halagang P170 per kilo.
Dahil dito, hinikayat ni Dar si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Na tumatayo ding Secretary ng DA na magtalaga na ng permanenteng kalihim sa ahensya upang mas matutukan ang lumalalang sitwasyon sa sektor ng agrikulutura.