Muling tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na may sapat na suplay ng manok at baboy ngayong Kapaskuhan.
Ito’y ayon kay Agriculture Undersecretary Jose Reano ay dahil sa napaghandaan na ng iba’t ibang ahensya ang epekto ng El Niño na inaasahang titindi pa hanggang sa susunod na taon.
Dahil dito, sinabi ni Reano na walang dahilan para sa mga negosyante para magsamantala at taasan ang presyo ng manok at baboy.
Sa panig naman ng Department of Trade and Industry o DTI, inihayag din nito na dahil sa sapat na suplay ng manok at baboy, mananatili ring matatag ang presyuhan ng mga processed meat tulad ng hamon at de-lata ngayong Kapaskuhan.
By Jaymark Dagala