Binatikos ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang sistemang ipinatupad ni dating Agriculture Secretary Proceso Alcala hinggil sa pamamahagi ng mga biniling kagamitan ng pamahalaan para sa mga magsasaka
Ito’y makaraang ipaliwanag ni DA Region 12 OIC Director Carlene Collado na kaya hindi naipamahagi ang biniling makinarya ay dahil hindi nakapagbigay ng bayad ang mga magsasaka ng Labinlimang Porsyento mula sa kabuuang halaga
Ayon pa kay Collado, ipinatupad nuon ni Alcala na Walumpu’t Limang Porsyento ng kabuuang halaga ng mga farm equipment ay babayaran ng gubyerno habang ang nalalabi naman ay dapat bayaran ng mga magsasaka
Dahil dito, ipinag-utos ni Secretary Piñol sa Internal Service Audit ng Department of Agriculture na imbestigahan ang maanomalyang pagbili sa mga kagamitan at kasuhan ng kriminal at administratibo ang mga opisyal na sangkot dito
By: Jaymark Dagala