Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na nanatiling sapat ang suplay ng karneng baboy sa bansa sa kabila pagkamatay ng maraming baboy na apektado ng hindi pa matukoy na sakit.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nanatiling stable ang suplay at presyuhan ng karneng baboy sa merkado.
Aniya, patuloy sa ugnayan ang gobyerno, mga hog raiser at iba pang stakeholder sa pagresolba sa problemang kinakaharap ng hog industry.
Wala pang problema sa suplay, kaya lang commitment ng hog raisers at commercial raisers ang kagandahan po we do design the measures together hindi masyadong gumagalaw. That’s good, that’s an indication na we have enough porks,” ani Dar.