Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na hindi nakakapasok sa bansa ang mga manok at mga produkto nito na nagmula sa mga bansang may bird flu.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Jose Reaño, mayroong prosesong sinusunod sa pagkuha ng permit bago payagang makapasok sa bansa ang inangkat na manok mula sa ibang bansa.
Sa ngayon, ipinagbabawal ng DA ang pag-angkat ng manok at mga produkto nito sa 13 estado ng Amerika na mayroong bird flu.
Maliban sa Estados Unidos, ipinagbawal rin ng DA ang pagpasok sa bansa ng mga manok na galing sa Turkey at ilang bahagi ng England.
By Len Aguirre | Ratsada Balita