Sapat ang suplay ng pagkain tulad ng bigas at iba pang mga pangunahing pangangailangan sa bansa.
Ito ang tiniyak ni Agriculture Secretary William Dar, sa gitna na rin ng inaasahang pag-iimbak ng suplay ng publiko kasunod ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Dar, kasya sa loob ng 80 araw ang suplay ng bigay sa bansa, batay na rin sa kanilang imbentaryo.
Habang inaasahan na rin ang panahon ng anihan sa ngyong marso hanggang Abril na aabot naman aniya para sa lima hanggang anim na buwang rice inventory.
Dagdag ni Dar, tumaas na rin aniya ng 60% ang suplay ng tilapia at bangus para sa Metro Manila dahil sa bumabalik na ring industriya ng palaisdaan sa taal lake.
Kasabay nito, nanawagan si Dar sa publiko na iwasan ang mag-panic buying lalu na’t nanantili aniyang kontrolado ng pamahalaan ang sitwasyon sa bansa.