Plano ng Department of Agriculture na pababain pa ang presyo ng mga ibinebentang bigas sa ilalim ng ‘rice for all’ program nito.
Ayon kay Agricuture Assistant Secretary at spokesman Arnel De Mesa, target nilang pababain pa ito sa 38 hanggang 39 pesos kada kilo.
Sa ngayon, nasa 40 pesos per kilo ang well-milled rice na ibinebenta sa ilang Kadiwa ng Pangulo Centers sa Metro Manila.
Samantala, sinabi pa ni Asec. De Mesa na ilulunsad na rin ngayong buwan ang Sulit Rice at Nutri Rice Programs ng pamahalaan.
Kaugnay nito, tiniyak ng opisyal na maganda pa rin ang kalidad ng ‘Sulit Rice’ na tinatawag din na 100% broken rice, na nasa 35 hanggang 36 pesos kada kilo.
Nasa 37 hanggang 38 pesos naman ang Nutri Rice na nasa pagitan ng well milled at brown rice, na siksik aniya ng sustansya.