Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng bigas at karne sa bansa ngayong holiday season.
Ibinase ito supply outlook na ibinigay ng national rice program ng DA kung saan sinasabing may pagtaas sa lokal na produksyon ng palay.
Maliban sa bigas, tiniyak din ng livestock group ng DA na sapat ang suplay ng mga lokal na manok at baboy.
Batay sa datos ng Philippine food supply, demand, and sufficiency outlook ng DA para sa taong 2022, ang kabuuang supply ng broiler ngayong taon ay 1.82-M metric tons kung saan 1.65-M mt ay locally produced.
Dahil sa tala, asahan na ang pagkakaroon ng masaganang supply na tatagal hanggang sa unang bahagi ng 2023.