Kampante ang Department of Agriculture na hindi gaanong tataas ang presyo ng gulay sa Metro Manila dalawang buwan bago mag-pasko.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa, stable ang suplay ng gulay dahil nakababawi na ang mga magsasaka sa mga lugar na hinagupit ng bagyo.
Natural naman anyang tumaas kahit bahagya ang presyo dahil lumalaki ang demand habang papalapit ang holiday season, bukod pa sa hindi maawat na pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa pagtaya ng DA, umabot na sa 180 metric tons ng gulay mula Cordillera, Cagayan Valley at Bicol region sang dumating sa Quezon City sa ilalim ng kadiwa program ng gobyerno.
Kabilang sa mga ibinagsak ang mga highland at lowland vegetable gaya ng carrot, sayote, pechay, patatas, kalabasa, kamatis, pipino, talong at ampalaya.
Tiniyak naman ni De Mesa na tuloy-tuloy na ang pagdating ng supply ng gulay sa Metro Manila mula sa mga probinsiya.