Patuloy na nakikipagnegosasyon ang Department of Agriculture (DA) sa state-owned Food Terminal Inc. (FTI) upang makapagsuplay ng sariwang sibuyas na ibebenta sa abot kayang halaga sa mga Kadiwa Stores.
Ayon kay DA assistant sec. Kristine Evangelista, dedepende sa magiging resulta ng pinasok nilang kasunduan sa FTI ang susunod na rollout ng Kadiwa Stores.
Simula nitong nakalipas na Biyernes, January 13, itinigil na ng Kadiwa Stores ang pagbebenta ng pula at puting sibuyas na nagkakahalaga ng P170 kada kilo, na mas mura sa P600 hanggang P700 na kada kilo nito sa mga palengke.
Sinabi ni Evangelista, na hinihintay pa nila ang liquidation at inventory report sa unang cycle ng sibuyas sa Kadiwa Stores upang malaman kung ipagpapatuloy pa ang pagtitinda nila nito.