Gumagawa na ng hakbang ang Department of Agriculture (DA) para matulungan ang mga magsasaka sa Nueva Vizcaya matapos maitala ang sobrang suplay ng kamatis.
Ayon sa ahensya, bibilhin ng mga institutional buyer ang ani ng mga tomato farmer upang hindi sila malugi sa kanilang puhunan.
Matatandaang nanawagan ng mga magsasaka sa pamahalaan bunsod ng sobrang produksiyon ng kamatis kung saan, ang ilan sa kanilang mga produkto ay itinatapon nalang matapos mabulok.
Bukod pa dito, ibinagsak-presyo din nila ang sobrang ani ng kamatis dahil sa takot na baka masayang.
Umaasa naman ang mga magsasaka na matutugunan ng ahensya ang oversupply ng kamatis sa kanilang probinsya at maibabalik ang kanilang kita.