Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na wala pa silang iniisyung permit para sa importasyon ng puting sibuyas.
Ito ang sinabi sa DWIZ ni Rex Estoperez, Deputy Spokesman ng Agriculture Department kasunod ng maraming insidente ng smuggling ng sibuyas na nahuhuli ng mga otoridad.
Ayon kay Estoperez, ipinagbabawal ang importasyon ng puting sibuyas at mahaharap sa kaso ang sinumang mahuhuling umaangkat at nag-iimbak nito.
“Tondo hindi lang tondo dito pa din sa may Balintawak, mga warehouses, nakita natin maraming white onions, so saan galing ito kasi wala naman kaming iniissue na imported needs,so kung walang inimport na senetary 5 to at senetary genitals delikado ka, so iyan ang tinitingnan natin while we have compiscated, together with the BOC, compiscated these smuggled onions , marami pa din tayong titingnan”
Ipinaliwagan naman ng opisyal ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng sibuyas sa kabila ng pagiging sapat ng suplay nito.
“Local produksyon ngayon is sobrang taas, so kung may 22 to 23 kilos ka na isang sako doon, kapag binili mo ay PHP 5,000- 5,400 ang puhunan mo, so kapag niresell mo iyan ay talagang aabot na sa PHP 280, nagdadagdag pa sila ng accidental expenses, yung ang sumasagot sa atin kung bakit tumataas ang presyo now”
Ang tinig Rex Estoperez, Deputy Spokesman ng Department of Agriculture, sa panayam ng DWIZ