Hinimok ng Department of Agriculture sa Western Visayas ang mga lgus sa rehiyon, na pansamantala nang i-ban ang pagpasok ng produktong manok mula sa ibang lugar.
Ito ay para maiwasan ang pagkalat ng bird flu.
Ayon kay DA-Western Visayas Director Remelyn Recoter, tanging ang Negros Occidental ang naglabas ng kautusan hinggil dito.
Dahil dito, hinimok ng opisyal ang iba pang lugar na i-ban na ang pagpasok sa produkto upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Maliban sa banta ng bird flu, nananatili namang asf free ang buong Western Visayas. —sa panulat ni Abby Malanday