Daan-daang aplikante na lumahok sa Independence Day job fair sa Luneta Park ang kaagad natanggap sa trabaho.
Ayon kay Labor Undersecretary Nicon Fameronag, mismong ang mga kinatawan ng mga kumpanya ang naghahanap ng empleyado kayat on the spot kaagad na na hire ang maraming aplikante.
Libu-libo pa ang inaasahang nakapag-apply at maaaring makapasok sa bagong trabaho.
Halos 40,000 trabaho ang alok sa naturang job fair.
By Judith Larino