Animnaraang labingwalong (618) Thai medical workers ang tinamaan ng COVID-19 kahit naka-kumpleto na ng bakuna ng Sinovac.
Ito’y sa gitna ng record-high 9,418 COVID-19 cases na naitala sa Thailand, kahapon dahilan upang umabot na sa 336,371 ang total cases kabilang ang 2,711 fatalities simula nang manalasa ang pandemya.
Ayon sa Thai health ministry, ang mga nasabing frontliner ay kabilang sa mahigit 677,000 medical worker na bakunado na ng Sinovac mula Abril hanggang ngayong Hulyo.
Sa mahigit 600 nagkasakit, isang nurse na ang namatay habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon.
Inirekomenda naman ng ahensya ang pagtuturok ng third dose o booster shot na AstraZeneca (MRNA) vaccine. —sa panulat Drew Nacino