Na alarma ang Armed Forces of the Philippines Western Command sa daan daang barko ng China na umiikot sa Pag asa Island sa West Philippine Sea.
Ayon kay Lt. Col Elpidio Factor ng AFP Western Command, nasa 600 barko ng China ang halos hindi gumagalaw sa kanilang kinaroroonan.
Unang napansin ng militar ang pagdami ng barko ng Tsina na umiikot sa Pag asa Island noong February 10 nang magdala sila ng construction equipment sa Pag asa para sa repair ng runway.
Maliban sa PAGASA, napansin na rin di umano ng AFP ang pagdami ng mga barko ng China na umiikot sa mga isla ng kota at panata.
Maritime expert nagbabala ukol sa mga plano ng China sa West PH Sea
Nagbabala ang isang maritime expert sa mga plano ng China sa West Philippine Sea.
Ginawa ni Professor Jay Batongbacal ang babala matapos mapaulat na daan daang barko ng China ang paikot ikot sa Pag asa Island sa West Philippine Sea.
Pinuna ni Batongbacal ang istratehiya ng China tulad ng paggamit ng mga sibilyang sakay ng kanilang mga barko, hindi paggamit ng armas at papanakot.
Dahil anya sa ganitong istratehiya, tahimik na napapalawak ng China ang mga napapasok nilang lugar sa West Philippine Sea.
Ayon kay Batongbacal, hindi na siya magtataka kung umapak pa sa kalupaan ng mga isla sa West Philippine Sea ang China sa hinaharap.