Hihilingin ni Senadora Risa Hontiveros na imbestigahan ng Senado ang balita na daan-daang mga Chinese vessel ang namamataan sa Panatag Shoal.
Ayon kay Hontiveros, maghahain sya ng resolution hinggil dito para maibestigahan at malaman ng publiko ang tunay na sitwasyon sa lugar at kung ano ang hakbang na ginagawa ng ating pamahalaan.
Mahalaga aniyang malaman kung humingi na ng tulong ang ating pamahalaan sa international community kaugnay ng aniya’y illegal, unreported at unregulated fishing ng China.
Nais ding malaman ng senadora ang kabuuang foreign at security policy direction ng administrasyon sa patuloy na panghihimasok ng China sa katubigan ng Pilipinas.
Malaking katanungan din sa senadora kung kontrolado pa ba ng administrasyong Duterte ang ating territorial waters o isinuko na ito sa China.