Halos limampu (50) na ang patay sa nagpapatuloy na kaguluhan at economic crisis sa Venezuela.
Mahigit isang buwan ng nagpo-protesta ang libu-libong mamamayan laban kay Venezuelan President Nicolas Maduro.
Karamihan sa mga biktima ay pinagbabaril sa kalagitnaan ng mga demonstrasyon kung saan pinakahuling nasawi ang isang 21 anyos na lalaki na ginulpi, pinagsasaksak at siniliban sa lungsod ng Valera.
Iginigiit ng mga demonstrador ang pagkakaroon ng eleksyon na magiging daan upang palitan si Maduro.
Simula Abril 1, daan-daang demonstrador na ang nasugatan habang nasa dalawanlibo dalawandaan (2,200) ang ikinulong.
By Drew Nacino